24 na trainees ng Philippine Coast Guard nanumpa sa pwesto

Nanumpa sa pwesto ang nasa 24 na trainees ng Philippine Coast Guard (PCG).

Pinangunahan ni PCG Commandant, Admiral George V. Ursabia Jr. ang oath taking ceremony sa 24 na trainees na kinabibilangan ng 23 abogado at isang pari.

Sila ay nagsanay sa ilalim ng Coast Guard Officers’ Course (CGOC) Class 26 – 2020 ‘Charlie’.

Sinabi ni Ursabia na mahalaga sa pagganap ng tungkulin ng mga tauhan ng Coast Guard ang pagkakaroon ng abogado sa kanilang hanay.

“Our mandate is full of law enforcement activities that take numerous legal concerns. Needless to say, we need lawyers. Having 23 lawyers and one priest under the CGOC Class 26 – 2020 ‘Charlie’ answers the challenges that we are currently facing. I hope and pray that all of you will stay with us for good. Help the Coast Guard. Help our country,” ani Ursabia.

Pormal nang makapanunungkulan ang 24 na binigyan ng ranggong ‘Lieutenant’.

 

 

 

Read more...