Dagdag-bawas sa mga produktong petrolyo, ipinatupad na

Epektibo na ang bawas-presyo sa mga produktong petrolyo ngayong araw ng Martes, November 10.

Base sa abiso ng Shell, Seaoil, Petron, Chevron Philippines Inc. (Caltex), PTT Philippines, Petro Gazz at Unioil, may tapyas na P0.20 sa kada litro ng kanilang gasolina habang may dagdag na P0.20 sa kada litro ng diesel.

Sinabi naman ng Shell, Seaoil, Petron at Caltex na P0.40 ang dagdag sa kada litro ng kanilang kerosene o gaas.

P0.20 rin ang kaltas sa kada litro ng gasolina ng Cleanfuel ngunit walang magiging pagbabago sa presyo ng kanilang diesel.

Epektibo ang oil price adjustment ng Cleanfuel bandang 8:01 ng umaga, ngayong araw Martes.

Samantala, nagpapatupad na ng pagbabago sa presyo ng mga produkto ang Caltex kaninang 12:01 ng hatinggabi.

Alas-6:00 ng umaga naman magbabago ang presyo sa Shell, Petro Gazz, Seaoil, Petron, PTT Philippines at Unioil.

 

 

 

 

Read more...