Dagdag pwersa mula sa PNP magdamag na nagbantay sa BuCor matapos ang riot kahapon

Nagtalaga ng karagadang pwersa ang Philippine National Police sa New Bilibid Prisons (NBP) matapos sumiklab ang riot kahaponsa maximum security compound.

Ang mga dagdag na tauhan ng PNP ay magdamag na nagbantay sa BuCor.

Itinaas din sa red alert status ang penal colonies para masiguro ang peace and order.

Kahapon ay nagpang-abot ang mga miyembro ng Sigue-Sigue Sputnik at Sigue-Sigue Commando sa maximum security compound ng Bilibid.

Tatlo ang ang nasawi at 64 ang sugatan sa insidente.

 

 

 

 

Read more...