Sa huling severe weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 575 kilometers Silangan ng Borongan City, Eastern Samar bandang 4:00 ng hapon.
Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong Hilagang-Kanluran sa bilis na 15 kilometers per hour.
Sinabi ng weather bureau na tatahakin nito ang direksyong pa-Kanluran patungong Bicol Region-Quezon area.
Posibleng mag-landfall ang bagyo sa Bicol Region- Quezon area sa araw ng Huwebes, November 12.
Ayon pa sa PAGASA, maaaring umabot sa Severe Tropical Storm category ang bagyo sa susunod na 24 oras at Typhoon category naman sa araw ng Miyerkules, November 11.
Bunsod nito, asahan hanggang Martes ng umaga, November 10, ang mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay malakas na pag-ulan sa Eastern Visayas, Bicol Region, at Quezon.
Moderate to heavy rains naman ang mararanasan sa Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, Apayao, at Ilocos Norte dulot ng Tail-End of a Cold Front.