Ayon kay Castro, walang aasahang proteksyon at kaligtasan ang mga Filipino sa liderato ni Sinas kundi mas marami pang mga paglabag sa karapatang pantao.
Tinukoy ng kongresista na noong panahon ni Sinas bilang regional director ng Central Visayas police office, naging talamak ang mga pagpatay sa mga aktibista, magsasaka at human rights defenders sa rehiyon.
Pero hindi na raw ikinagulat ni Castro ang promotion sa tinawag nitong “mañanita lover-quarantine violator.”
Katuwiran nito, ilang beses na rin namang nakakuha ng posisyon ang mga kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kabila ng mga alegasyon ng korapsyon o paglabag sa sariling mga patakaran.