Pahayag ito ng Palasyo matapos umani ng kaliwa’t kanang batikos ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na italaga si Sinas bilang PNP chief kahit na may kinakaharap na kasong kriminal at administratibo dahil sa paglabag sa health protocols nang magsagawa ng birthday party o mañanita kahit ba umiiral pa ang enhanced community quarantine dahil sa COVID-19.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, mas makabubuting bigyan muna ng tsansa si Sinas para patunayan ang kanyang kakayahan.
May anim na buwan aniya si Sinas para maipakita kung maari siyang magsilbing inspirasyon sa mga kapwa pulis.
“Well, let’s give him a chance and… he has six months to prove his worth. And let’s see after six months he will inspire people,” pahayag ni Roque.