Pahayag ito ng Palasyo matapos irekomenda ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na isailalim sa state of calamity ang tatlong rehiyon dahil sa lawak ng pinsala ng nagdaang bagyong Rolly.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ‘most likely’ na sasang-ayunan ng Pangulo ang rekomendasyon ng NDRRMC.
Pero sa ngayon, mas makabubuting hintayin na lang muna ang ilalabas na papel ng Office of the President.
“Most likely po pero ‘antayin na natin iyong papel mismo na manggagaling sa tanggapan ng Presidente,” pahayag ni Roque.
Base sa talaan ng NDRRMC, aabot sa P11 bilyong halaga ng imprastrsktura at agrikultura ang nasira ng bagyong Rolly.
22 katao ang iniwang patay ng Bagyong Rolly na itinuturing na pinakamalakas na bagyo sa taong 2020 sa buong mundo.