Naniniwala si House Ways and Means committee chairman at Albay Rep. Joey Salceda na hindi dapat tanggalin ang nasa P16B pondo sa ilalim ng National Task Force for Ending Communist Local Armed Conflict.
Paliwanag ni Salceda, ang mga proyektong ito ay katulad ng sa Bottom-Up Budgeting kaya dapat panatilihin at magkaroon lamang ng adjustments sa mga lugar na sinalanta ng mga kalamidad.
Ayon sa kongresista, napagkakamalan lang na direktang national security budget dahil sa label pero para talaga ito sa countryside development.
Ibig sabihin, kapag nagtayo ng mga kalsada sa buong bansa, lumilikha ng oportunidad para sa pag-unlad ng ekonomiya at nababawasan ang mga dahilan ng paglahok sa armed conflict na ang ugat ay kahirapan.
Dagdag pa nito, ang development programs sa ilalim ng task force ay pagtanggap na merong mga solusyon sa armed conflict na hindi military in nature.
Kaugnay nito’y isusulong ni Salceda sa bicameral conference committee na magkaroon ng adjustments sa items sa nasabing pondo para makatulong na maibsan ang pinsala ng Bagyong Rolly.