Niyanig ng magnitude 3.3 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 67 kilometers southeast ng bayan ng Don Marcelino, alas-11:24 umaga ng Lunes (November 9).
May lalim na 126 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.
Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.
MOST READ
LATEST STORIES