Mass vaccinations, maganda ang plano pero nasaan ang pondo? – Sen. Frank Drilon

Nagpahayag ng kanyang mga pangamba si Senate Minority Leader Frank Drilon ukol sa kahandaan ng gobyerno na magsagawa ng mass vaccinations kapag may mabibili ng bakuna para sa coronavirus.

Sinabi ni Drilon na sinusuportahan niya ang direksyon na inilatag ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., na sinabing balak ng gobyerno na bumili ng paunang 24 million COVID-19 vaccines sa susunod na taon.

Ngunit, ayon sa senador, sa P4.5 trillion 2021 national budget, P2.4 bilyon lang ang inilaan para sa pagbili ng mga bakuna at kulang na kulang ito aniya para masunod ang nais ni Galvez.

Kasabay nito, kinuwestiyon din ni Drilon ang kawalan ng distribution, transportation and storage plans ng COVID 19 vaccines kayat hinihimok niya ang gobyerno na maglatag na rin ng plano ukol sa pamamahagi ng mga bakuna.

Umaasa ang senador na sa pagtalakay ng pambansang pondo sa plenaryo ay lubos na matatalakay ang isyu ukol sa pagbili ng bakuna laban sa COVID-19.

Read more...