WATCH: 3 patay, 64 nasaktan sa panibagong riot sa loob ng Bilibid

 

(UPDATED) Namatay ang tatlong preso at umabot sa 64 ang nasaktan sa riot na sumiklab sa pagitan ng mga preso sa loob ng National Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Ayon kay Gabby Chaclag, ang tagapagsalita ng Bureau of Corrections (BuCor), may anim pang preso ang nanatili at ginagamot sa ospital.

Iniimbestigahan na aniya ang pangyayari at papatawan ng disciplinary actions ang mga nagpasimuno sa gulo.

Bandang 8:39, Lunes ng umaga (November 9), nang magsimula ang riot sa Maximum Security compound na katabi lang ng main administration building kayat kinailangan na ilikas ang mga kawani ng kawanihan.

Noon lang nakaraang buwan, siyam na preso ang namatay sa pagsiklab ng riot sa pagitan ng mga miyembro ng Sputnik at Commando gangs.

Narito ang buong ulat ni Jan Escosio:

Read more...