Sec. Bello handang patawarin ang mga kabataang humablot sa kaniyang cellphone

Nakahanda si Labor and Employment Sec. Silvestre Bello III na patawarin ang mga kabataang humablot sa kaniyang cellphone habang nasa sasakyan siya sa tapat ng Mehan Garden sa Maynila noong Biyernes.

Nasa loob ng kaniyang sasakyan si Bello noong Biyernes at pauwi galing trabaho nang hablutin ng mga kabataan ang kaniyang cellphone.

Ayon kay Bello, bahagya lamang na nakababa noon ang bintana ng sasakyan.

Sa panayam ng Radyo INQUIRER, sinabi ni Bello na sapat nang leksyon para sa apat na kabataan ang pagkakaaresto sa kanila.

Lalo lang aniyang masisira ang buhay ng mga ito kung isusulong ang kaso laban sa kanila lalo pa at mga menor de edad lamang ang mga ito.

 

 

 

Read more...