Dating US Pres. George W. Bush nagpaabot ng pagbati kay ‘President-elect’ Biden

Binati ni dating US President George W. Bush si ‘President-elect’ Joe Biden.

Sa inilabas na pahayag ng kampo ni Bush, nakasaad na tinawagan na ng dating presidente sina Biden at Vice President-elect Kamala Harris para ipaabot ang pagbati sa kanila.

Sinabi ni Bush na sa kabila ng pagkakaroon ng political differences, naniniwala siyang mabuting tao si Biden at ang pagkakapanalo nit ay oportunidad para pamunuan at pagkaisahin ang buong bansa.

Binati din ni Bush si President Donald Trump at mga tagasuporta nito.

 

 

 

 

Read more...