San Francisco, Agusan del Sur niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang lalawigan ng Agusan del Sur.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 14 kilometers southwest ng bayan ng San Francisco, alas-6:45 umaga ng Lunes (November 9).

May lalim na 8 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

 

 

 

 

Read more...