11 patay sa pag-atake sa outpost sa Baghdad, Iraq

Labingisa ang nasawi sa pag-atake sa labas ng isang outpost sa Baghdad, Iraq.

Kabilang sa nasawi ang limang miyembro ng tribal militia at anim na sibilyan.

Ayon sa ulat ng Agence France Press, mga miyembro ng ISIS terror group ang umatake.

Tinangka umano ng mga terorista na i-take over ang monitoring outpost sa lugar.

Hinagisan ng granada at pinaulanan ng bala ang outpost.

Maliban sa 11 nasawi sa pag-atake, 8 pa ang nasugatan sa insidente.

 

 

 

 

 

 

Read more...