Yellow heavy rainfall warning itinaas ng PAGASA sa Aurora

Nagtaas ng heavy rainfall warning ang PAGASA sa lalawigan ng Aurora.

Sa inilabas na rainfall advisory, alas 7:00 ng umaga ngayong Lunes, Nov. 9, yellow warning na ang umiiral sa buong lalawigan dahil sa pag-ulang nararanasan dulot ng Easterlies at Tail-end of a Cold Front.

Babala ng PAGASA maaring makaranas ng pagbaha sa mabababang lugar at pagguho ng lupa sa bulubunduking lugar.

Samantala, mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan naman ang nararanasan sa Dinapigue, San Mariano, Palanan, Benito Soliven, Cauayan City, Santiago, at Echague sa Isabela at sa bayan ng Madella at Aglipay sa Qurino.

 

 

 

 

 

 

Read more...