France pang-apat na sa mga bansa sa mundo na may pinakamataas na kaso ng COVID-19

Ang bansang France na ang pang-apat sa mga bansa sa mundo na mayroong pinakamataas na kaso ng COVID-19.

Ito ay makaraang maungusan na ng France ang datos ng Russia.

Ang France ay mayroong kabuuang kaso na aabot sa 1,787,324.

Sa magdamag, nakapagtala ito ng mahigit 38,000 na bagong kaso ng COVID-19.

Mataas din ang active cases ng France na aabot pa sa mahigit 1.6 million.

Habang ang total number of recoveries nito ay mahigit 128,000 lamang.

 

 

 

 

Read more...