BRP Gabriela Silang muling maglalayag patungong Catanduanes para maghatid ng relief goods

Nakatakda muling maglayag ang BRP Gabriela Silang patungong Catanduanes para maghatid ng relief supplies.

Lulan ng barko ang kabuuang 74 na tonelada ng iba’t ibang relief goods.

Kabilang dito ang mga sumusunod:

– 7,500 boxes of DSWD food packs
– 21,200 bottles of mineral water (220 ml/bottle)
– 100 sacks of rice (50 kls/sacks
– 13 sacks of rice (c/o LGU Bato Catanduanes)

Dahil sa Tropical Depression Ulysses na papalapit ng Bicol Region, magkakanlong muna ang barko sa bahagi ng Bacolod habang mayroon pang bagyo.

Muli itong maglalayag patungong Catanduanes sa sandaling bumuti na ang lagay ng panahon.

 

 

Read more...