Metro Manila, ilang lalawigan sa Central Luzon uulanin sa susunod na mga oras

Makararanas ng pag-ulan sa susunod na mga oras sa Metro Manila at ilan pang lalawigan sa Central Luzon.

Sa inilabas na rainfall advisory ng PAGASA alas 6:23 ng umaga ngayong Lunes, Nov. 9 mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang mararanasan sa Metro Manila, Tarlac, Zambales, Pampanga at Batangas.

Mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan naman ang nararanasan na sa mga bayan ng Mabitac, Santa Maria, Famy, Siniloan, Pangil, Pakil, Paete, Kalayaan, Lumban, Cavinti, Pagsanjan, Magdalena, Luisiana, at Majayjay sa Laguna; Nueva Ecija, Bulacan, Rizal at Quezon.

Pinapayuhan ang mga residente na i-monitor ang lagay ng panahon at mag-antabay sa susunod na abiso ng PAGASA.

 

 

 

 

 

Read more...