WALANGPASOK: Mga lugar na nagsuspinde ng klase ngayong araw, Nov. 9, 2020

Dahil sa nararanasang patuloy na pag-ulan dulot ng tail-end ng cold front suspendido ang klase sa buong lalawigan ng Cagayan.

Sa utos ni Cagayan Gov. Manuel Mamba ang suspensyon ng klase ay sa lahat ng antas mapa-online, modular o blended learning sa pampubliko at pribadong paaralan.

Bunsod ng pag-ulan, tumataas na ang water level sa Cagayan River.

Samantala, sa Camarines Sur, dahil wala pa ring suplay ng kuryente, pinalawig ni Gov. Migz Villafuerte ang suspensyon ng klase hanggang Nov. 15, 2020.

Anng suspensyon ay sa lahat ng antas, public at private.

 

 

 

Read more...