Bangladesh, gustong mabawi ang perang nanakaw sa kanila

Bangladesh Central Bank MainNais ng pamahalaan ng Bangladesh na maibalik sa kanila ang multi-million dollars na ninakaw sa kanilang bangko sa pamamagitan ng pag-hack sa computer system.

Ayon kay Bangladeshi Ambassador to Manila John Gomes, inaasahan nilang gagawin ng gobyerno ng Pilipinas ang lahat upang maisauli pera.

Kasunod ito ng isinagawang imbestigasyon ng senado kahapon sa $81 million money laundering scheme.

Ayon kay Gomes, nakalulungkot ang pangyayari, dahil ang nasabing pera ay pinaghirapan ng pamahalaan at mamamayan ng Bangladesh.

Tiniyak naman ng opisyal na makikipag-ugnayan sila sa mga otoridad ng Pilipinas na nagsasagawa ng imbestigasyon. “These are people’s hard-earned money that has been stolen, that’s why it’s more painful for us. We are cooperating with the authorities. We are hoping to get our money back,” ayon kay Gomes.

Si Gomes kasama ang ilang Bangladeshi officials ay nagtungo sa senado kahapon para obserbahan ang hearing ng Senate Blue Ribbon Committee.

Kahapon nagbitiw sa pwesto si Bangladesh central bank governor Atiur Rahman dahil sa nasabing insidente.

Read more...