Bayugan City, Agusan del Sur, niyanig ng lindol

March 16 Agusan Del SurNiyanig ng 3.7 magnitude na lindol ang Bayugan City, Agusan del Sur alas 7:10 ng umaga ng Miyerkules (March 16).

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naramdaman ang Intensity 3 sa Butuan City.

May lalim lang kasi na 4 kilometers ang nasabing lindol na ang sentro ay naitala sa 18km north ng Bayugan City.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol at hindi naman inaasahang magdudulot pa ito ng aftershock.

Wala ring inaasahang pinsala bunsod ng nasabing lindol.

Read more...