Nagparating ng pagbati si Vice President Leni Robredo kay U.S. President-elect Joe Biden sa pagkapanalo.
Ito ay ilang oras matapos ideklara ang pagkapanalo ni Biden sa U.S. presidential poll.
Binati rin ni Robredo si Vice President-elect Kamala Harris. Si Harris ang kauna-unahang babaeng Bise Presidente sa Estados Unidos.
“Your victory is an affirmation of the shared ideals on which the long friendship between our two nations stand: democracy, civil rights, faith, and inclusivity,” saad ni Robredo sa kanyang Twitter account.
Dagdag pa nito, ipapanalangin niya ang tagumpay nina Biden at Harris.
MOST READ
LATEST STORIES