Mga gumaling na pulis sa COVID-19, sumampa na sa 7,000

Aabot sa 47 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Sabado ng gabi (November 7), 7,466 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 437 ang aktibo pang kaso.

68 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 7,005 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Isa naman ang pulis na napaulat na nasawi dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 24 na ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...