Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 50,263,181 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 10,182,818 cases.
Sumunod na rito ang India na may 8,507,203 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 5,653,561 naman ang kaso sa Brazil habang 1,753,836 ang napaulat na kaso sa Russia.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– France – 1,748,705
– Spain – 1,388,411
– Argentina – 1,236,851
– United Kingdom – 1,171,441
– Colombia – 1,136,447
– Mexico – 961,938
– Peru – 920,010
– Italy – 902,490
– South Africa – 735,906
– Iran – 673,250
– Germany – 658,481
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 1,256,352 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 35,548,003 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.