Sa huling datos ng Department of Health (DOH) araw ng Biyernes (November 6), umabot na sa 391,809 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 34,374 o 8.8 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 2,092 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
83.6 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 9.8 porsyento ang asymptomatic; 2.5 porsyento ang severe habang 4.2 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 52 muli ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 7,461 o 1.90 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 462 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 349,974 o 89.3 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.