Sa kanyang inihain Senate Bill No. 207 sa Senado para sa pagbabalik ng parusang bitay, bukod sa kasong drug trafficking, nais din ni Go na kamatayan din ang maging katapat na parusa sa pandarambong.
“Na-file ko itong restoration ng death penalty [para] sa heinous crimes at sa crimes involving illegal drugs. Kasali rin po ang plunder sa heinous crimes. Kapag pumasa, mas mabuti. Dapat walang masayang ni piso sa pera ng gobyerno. Pera ng tao ‘yan, dapat ibalik sa kanila ang pera nila,” katuwiran niya.
Aniya, kamatayan ang dapat na ipataw na kaparusahan sa sinoman na malilitis sa kasong pandarambong at mapapatunayan na P50 milyon o higit pa ang ninakaw sa kaban ng bayan.
Ipinunto niya na hindi pa rin tumitigil ang kampaniya ng administrasyong-Duterte laban sa katiwalian, korapsyon at droga.
Nangako ito, kahit bumaba na sa puwesto si Pangulong Duterte, mananatili siyang senador at patuloy niyang isusulong ang mga naturang programa.