Biyahe ng LRT-1 nagka-aberya; Operasyon ng mga tren limitado lamang

Nagkaproblema sa biyahe ng LRT-1.

Sa inilabas na abiso ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) alas 2:07 ng hapon ngayong Biyernes, Nov. 6 inihinto ang biyahe ng mga tren mula Baclaran to Balintawak.

Ito ay dahil sa problema sa catenary sa pagitan ng G. Puyat at V. Cruz stations.

Sa kuha naman ng isang netizen na ibinahagi sa Twitter, may nakitang umuusok sa isang nakahintong tren ng LRT-1.

As of 2:18 PM, nagpatupad na ng limitadong operasyon ang LRT-1.

Ang biyahe ng mga tren ay Central to Balintawak at vice versa lamang.

Ayon sa LRMC, posibleng umabot ng ilang oras ang pagsasaayos sa problema.

Tiniyak naman ng LRMC na gumagawa nang paraan ang kanilang mga technician para maiayos ang problema.

 

 

 

 

 

 

Read more...