Severe Tropical Storm Siony papalayo na; Tropical Cyclone Wind Signal #2 nakataas pa rin sa Batanes

Papalayo na sa bansa ang Severe Tropical Storm Siony at nasa bahagi a ngayon ng Bashi Channel.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 95 kilometers northwest ng Itbayat, Batanes.

Taglay pa din nito ang lakas ng hangin na aabot sa 95 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 115 kiometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers bawat oras sa direksyong west northwest.

Ayon sa PAGASA, inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo mamayang gabi.

Hihina pa ang bago sa susunod na mga araw at magiging isang Low Pressure Area (LPA) na lamang sa Linggo ng hapon.

Nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signal number 2 sa Batanes.

Habang signal number 1 naman sa Babuyan Islands.

 

 

 

 

Read more...