Data services ng Globe naibalik na sa 14 na munisipalidad sa Albay

Naibalik na ang data services ng Globe sa 14 na munisipalidad sa lalawigan ng Albay.

Sa inilabas na update ng Globe, as of 12:00 ng tanghali ngayong Biyernes, Nov. 6, naibalik na ang voice, text at internet services sa ilang bahagi ng Albay.

Kabilang sa mayroon nang connectivity ang sumusunod na mga munisipalidad at lungsod:

– Bacacay
– Daraga
– Guinobatan
– Jovellar
– Legazpi City
– Libon
– Ligao
– Manito
– Oas
– Pio Duran
– Polangui
– Rapu-Rapu
– Sto. Domingo

Tiniyak ng Globe na tuluy-tuloy ang pagtatrabaho ng kanilang team para maibalk agad ang mobile at data services sa mga lugar na naapektuhan ng Super Typhoon Rolly.

 

 

 

 

 

Read more...