Iyan ang sinabi ni Senator Christopher “Bong” Go sa harap ng hindi matapos-tapos na isyu ng katiwalian at iregularidad sa BOC.
“Huwag kayong mag-alala, darating din ang Pangulo dyan. Meron na tayong expanded task force na handa mag-imbestiga, mag-prosecute, mag-rekomenda ng suspensions, mag-lifestyle check, mag-audit at ipakulong ang mga mapatunayang nagkasala,” saad ni Go.
“Kung kailangan po ay babasahin ni Pangulong Duterte ang mga pangalan para parusahan at makasuhan po at malaman ng publiko ‘yung kalokohan ninyo,” banta ng Senador.
Binanggit din ni Go na naisumite na kay Pangulong Duterte ang pangalan ng mga sangkot sa korapsiyon sa BOC.
“Mayroon nang nabanggit ang Pangulo kagabi sino nasuspinde,” Sabi ng Senador:
“Tuluy-tuloy po ‘yun, hintayin ninyo lang po, aabot po tayo dyan at aabutan rin kayong mga korap. Kaya sa mga korap sa gobyerno, mag-ingat po kayo dahil hindi po kami titigil ni Pangulong Duterte na labanan ang korapsyon sa gobyerno,” babala ni Go.
Kamakailan ay inerekumenda ng
National Bureau of Investigation ang pagsasampa ng criminal at administrative charges laban sa BOC officials na sangkot sa unano’y mga anomalya para sampahan ng paglabag sa
Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Ang mga naturang opisyal ay napaulat na sangkot sa akreditasyon ng hindi bababa sa anim na ghost importers.
Samantala, inihayag ni Go ang commitment ng administrasyon na maghatid ng corruption-free government services sa pamamagitan ng pagpapahusay ng proseso sa pagnenegosyo sa bansa.
“Alam ninyo ang ibig sabihin po ng Ease of Doing Business — ang layunin nito ay bilisan ang proseso sa paraan na walang korapsyon,” saad ni Go.
“Hindi po ibig sabihin isho-short cut ito at hindi susundin ‘yung nakasaad sa batas. Dahil kapag sino-short cut ninyo at hinaluan ninyo ng kalokohan, that is still corruption,” Paliwanag nito.
“Importante dito sa Ease of Doing Business, walang korapsyon at mapabilis ‘yung proseso,” dagdag pa nit, kasabay ng paggiit ng mga layunin ng pamahalaan para mas maging episiyente ang government processes at effective, at responsive sa pangangailangan ng publiko sa pamamagitan ng sistema na ligtas sa katiwalian.
“‘Yung three days to one week lang dapat – dapat po ay three days to one week lang po talaga, ‘yun ang gusto niya mangyari. Kasi minsan inaabot ng ilang taon, ilang buwan,” Sabi ni Go.
“’Yung pinapatulog po ‘yung mga papeles. […] That means there is inefficiency, at best, and corruption, at worst,” dagdag pa niya.
May babala din siya sa mga opisyal ng gobyerno na hindi tutugon sa anti-red tape policy. “Do not test this administration because we will see to it that you will be held accountable. Hihiyain talaga kayo ni Presidente,” Sabi ni Go.
“At hindi lang po hihiyain, yayariin po namin kayo. Kung paano yayariin, bahala na kayong umintindi,” pagtatapos nito.