BRP Gabriela Silang babalik ng Maynila ngayong araw para muling magkarga ng relief goods

Nakapagbaba na ng relief goods sa Bicol Region ang BRP Gabriela Silang.

Ayon kay Commodore Armand Balilo tagapagsalita ng Philippine Coast Guard, ngayong araw ay babalik ng Maynila ang BRP Gabriela Silang.

Muli itong magkakarga ng relief goods para madala sa mga nasalanta ng Super Typhoon Rolly.

Ayon sa Coast Guard, maaring magdala ng donasyon sa kanilang headquarters para maisabay sa pagbalik ng barko.

Maliban sa mga pagkain mahalaga ding maibigay sa gma residente sa Catanduanes ang flashlights at batteries dahil wala pa ding suplay ng kuryente sa lalawigan.

 

 

 

Read more...