Mahigit 50,000 mga bahay nawasak dahil sa Super Typhoon Rolly

Aabot pa sa mahigit 171,000 katao ang nananatili sa evacuation center matapos wasakin ng Super Typhoon ang kanilang tahanan.

Ayon sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) aabot pa sa mahigit 44,500 na pamilya o katumbas ng mahigit 171,500 na katao ang nasa mga evacuation centers.

Ayon pa sa NDRRMC, umabot sa 53,747 na mga bahay ang napinsala ng bagyo.

Sa nasabing bilang 12,659 ang totally damaged at hindi na mapapakinabangan pa habang 41,088 ang partially damaged.

 

 

 

 

Read more...