Umalis na ang mga tauhan ng MMDA na magdadala ng mga tulong sa mga nasalanta ng bagyong Rolly sa Barangay Abo sa Tigaon, Camarines Sur.
Sinabi ni MMDA Chairman Danny Lim tutulong sa rehabilitasyon ng lugar ang kanilang mga tauhan.
“We have to help out our kababayans who have been severely affected by Rolly. I want all of you to keep safe during the entire duration of the mission,” bilin ni Lim sa kanyang mga tauhan sa send-off ceremony.
Ang 17-man team ay mula sa Public Safety Division at Flood Control Sewerage Management Office at pamumunuan ni Task Force Commander Allan Longcop.
Bitbit ng mga ito ang water purifiers, solar panels, generator sets at chainsaws.
Si Camarines Sur Rep. Arnie Fuentebella ang humingi ng saklolo sa MMDA para sa kanyang mga kababayan.