Red Cross namahagi ng tulong sa mga nasunuguan sa Bacoor, Cavite

Nagbigay ng tulong ang Philippine Red Cross sa mga pamilyang nasunugan sa Bacoor City, Cavite.

Aabot sa 700 hygiene kits at 3,500 na face masks ang ipinamigay ng Red Cross sa mga pamilya sa Brgy. Alima.

Ayon sa Red Cross maliban sa pagtutok nila sa mga napinsala ng Super Typhoon Rolly, patuloy din ang pag-asiste sa mga mamamayan na naapektuhan ng iba pang mga kalamidad.

“Aside from typhoon #RollyPH, PRC continues to alleviate human suffering wherever it may be found,” ayon sa PRC.

 

 

 

Read more...