Ayon sa PAGASA, alas 7:50 ng umaga nang dumaan sa naturang lugar ang bagyo.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 30 kilometers east northeast ng Itbayat, Batanes.
Taglay pa din nito ang lakas ng hangin na aabot sa 95 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 115 kiometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers bawat oras sa direksyong pa-kanluran.
Nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signal number 2 sa Batanes at Babuyan Islands.
Signal number 1 naman ang nakataas sa sumusunod na lugar:
– northern portion of mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Lal-Lo, Allacapan, Santa Teresita, Buguey, Camalaniugan, Aparri, Ballesteros, Abulug, Pamplona, Sanchez-Mira, Claveria, Santa Praxedes)
– northern portion of Apayao (Santa Marcela, Luna, Calanasan)
– northern portion of Ilocos Norte (Adams, Pagudpud, Bangui, Dumalneg, Burgos, Vintar, Pasuquin, Bacarra)
Ang sentro ng bagyo ay patuloy na kikilos ng pa-kanluran patungo sa southern coast ng Taiwan sa loob ng susunod na 12 oras.
Mamayang gabi ay inaasahang lalabas na ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR).