Water level ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon nabawasan sa magdamag
Nabawasan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa sa nakalipas magdamag.
Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 202.66 meters alas-6:00 umaga ng Biyernes (November 6) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 202.68 meters.
Nanatili naman ang antas ng tubig ng Ipo dam sa 99.64 meters habang ang antas ng tubig ng La Mesa dam ay nadagdagan na nasa 79.36 meters ngayong umaga mas mataas sa antas nito kahapon na 79.33 meters.
Ang water level ng Ambuklao, San Roque, Pantabangan at Magat dams ay nadagdagan habang nabawasan naman ang antas ng tubig ng Binga at Caliraya dams.
Samantala, patuloy naman sa pagpapakawala ng tubig ang Binga at Magat dams.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.