Nananatili sa 20 ang bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng Super Typhoon Rolly sa bansa.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), maliban sa 20 nasawi, mayroon pang 3 na nawawala.
Nakapagtala din ng 165 na mga nasugatan sa pananalasa ng bagyo sa Mimaropa, Calabarzon, at Region 5.
Ayon sa NDRRMC, nakapagtala ng 17 insidente ng pagbaha at dalawang landslides noong kasagsagan ng paghagupit ng bagyong Rolly.
Mayroong aabot pa sa 151 na lungsod at munisipalidad sa Regions 4A, 4B, 5 at 8 ang wala pa ding suplay ng kuryente.
Habang 85 pang lungsod at munisipalidad ang wala pa ring suplay ng tubig.
READ NEXT
Imbestigasyon sa mga nagdaang maanomalyang government projects pinabubuhay ni Pangulong Duterte
MOST READ
LATEST STORIES