Imbestigasyon sa mga nagdaang maanomalyang government projects pinabubuhay ni Pangulong Duterte

Pinabubuhay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang imbestigasyon sa mga nagdaang anomalyang bumalot sa pamahalaan.

Kasama sa tinukoy ng pangulo ang toilet project sa Philippine National Railways (PNR) kung saan magkakatabi ang inidoro at walang dividers.

Ang naturang proyekto ay sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Benigno Aquino III.

Sa kaniyang pre-recorded public address, pinababalikan ng pangulo ang mga maanomalyang proyekto at kwestyonableng programa ng gobyerno.

Binanggit din ng pangulo ang mga anomalya sa road right of way.

Binalaan ng pangulo ang mga opisyal ng pamahalaan na nasangkot sa mga nagdaang korapsyon na hahabulin pa rin sila ng administrasyon at iimbestigahan.

Sinabi ng pangulo na gugugulin niya ang nalalabi niyang dalawang taon pa sa pwesto sa paghahabol sa mga korap sa gobyerno at pagsasampa ng kaso laban sa kanila.

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...