Apat na sasakyan nagkarambola sa EDSA Boni Southbound

Nagkarambola ang apat na mga sasakyan sa Southbound lane ng EDSA malapit sa Boni Avenue.

Sangkot sa aksidente ang dalawang kotse, isang SUV at isang pick-up.

Ayon sa MMDA, isang linya ng kalsada ang naokupahan ng mga saskayang sangkot sa aksidente.

Sa lakas ng pagkakabangga ang isa sa mga kotse ay pumailalim sa likurang bahagi ng pick-up.

Nagdulot ng pagsisikip sa daloy ng traffic sa EDSA southbound ang naturang aksidente.

Alas 6:48 na ng umaga nang maialis ang mga sasakyan na sangkot sa aksidente.

 

 

 

 

 

Read more...