Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa lalawigan ng Rizal, umabot na sa 10,128

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Rizal.

Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal (Wednesday, November 4), nadagdagan ng 112 ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan kaya umabot na ito sa 10,128.

Sa nasabing bilang 604 ang active cases.

Ang bilang naman ng mga nasawi sa COVID-19 sa lalawigan ay 384 kung saan nakapagtala ng 1 bagong nasawi.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng virus sa lalawigan ay umabot na sa 11,116 na.

 

 

 

 

 

 

Read more...