Mga naka-recover sa COVID-19 sa Western Visayas, pumalo na sa 14,100

Nagpositibo ang 75 pang pasyente sa COVID-19 sa bahagi ng Western Visayas.

Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang November 5, umakyat na sa 17,350 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

2,817 sa nasabing bilang ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit.

Sinabi nito na 79.27 porsyento ng mga kaso ng COVID-19 ay asymptomatic o walang nararanasang sintomas.

278 naman ang gumaling pa kaya 14,104 na ang total recoveries sa Western Visayas.

Umakyat naman sa 429 ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.

Read more...