Dagdag na 100 kasi ng COVID-19, napaulat sa Eastern Visayas

Nadagdagan ng 100 ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.

Naitala ang mga bagong kaso mula sa 1,145 laboratory samples na sinuri ng EVRCTC at DWHVL.

Sa datos ng Department of Health (DOH) – Eastern Visayas hanggang 7:00, Huwebes ng gabi (November 5), 7,147 na ang confirmed COVID-19 cases sa probinsya.

Sa nasabing bilang, 629 o 8.80 porsyento ang aktibong kaso.

Maraming residente ang gumaling pa sa nakakahawang sakit.

Bunsod nito, umabot na sa 6,451 o 90.26 porsyento ang total recoveries sa Eastern Visayas.

Nasa 67 na ang mga residenteng nasawi o 0.94 porsyento bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...