Higit 500 katao, nahuling lumabag sa mga ordinansa sa Navotas City

Umabot sa 578 ang nahuling lumabag sa ipinatutupad na safety measures at iba’t ibang ordinansa sa Navotas City sa magdamag.

Batay ito sa ulat ng Navotas City police, Task Force Disiplina at mga barangay.

Nahuli ang nasabing bilang ng violators mula 5:00, Miyerkules ng hapon (November 4), hanggang 5:00, Huwebes ng hapon (November 5).

Pinakamaraming nahuling lumabag sa curfew na umabot sa 309 kung saan 139 ang adult habang 170 ang menor de edad.

Sumunod dito ang mga hindi nagsuot o hindi tama ang pagkakasuot ng face mask na umabot sa 213.

Apat naman ang bilang ng mga hindi sumunod sa isa hanggang dalawang metrong physical distancing.

Samantala, isa ang nahuling walang suot na damit pang-itaas, anim ang naninigarilyo habang 41 sa iba pang ordinansa.

Read more...