Ayon sa PRC, ni-reschedule ang naturang exam sa January 21 hanggang 22, 2021.
Kasunod ng ipinatutupad na travel restrictions at community quarantine ng gobyerno sa gitna ng COVID-19 pandemic, hinikayat at papayagan ang MTLE examinees na lumipat ng testing centers.
Maaaring lumipat ang mga kukuha ng exam sa testing centers sa mga sumusunod na lugar:
– Baguio
– Cagayan De Oro
– Cebu
– Davao
– Iloilo
– Legazpi
– Lucena
– Manila
– Pampanga
– Tacloban
– Tuguegarao
– Zamboanga
Sa may mga katanungan, maaaring mag-email sa Licensure Division sa licensure.division@prc.gov.ph at licensure.office@prc.gov.ph.