Publiko, binalaan ukol sa isang pekeng website na may logo ng LTO

Nagbigay ng babala ang Land Transportation Office (LTO) sa publiko ukol sa isang pekeng website na may logo ng ahensya.

Sinabi ng LTO na hindi pinapatakbo o konektado sa ahensya ang lisensya.info website.

Makikita sa pekeng website ang logo ng LTO kung saan mayroon pang driver’s license authenticator.

Payo ng LTO, huwag magbigay ng mga sensitibong impormasyon sa mga hindi beripikadong link o account.

Narito ang official websites ng LTO:

1. Official LTO Website
https://www.lto.gov.ph/
https://www.lto.net.ph/

2. LTO Online Portal
https://portal.lto.gov.ph/

3. Official Facebook Pages
https://www.lto.gov.ph/official-facebook-page.html

Read more...