Ayon sa MRT-3, dagdag ito sa 22 train sets, kabilang ang 19 CKD train sets at 3 Dalian train sets na operational at tumatakbo na.
Matatandaang nagsagawa ng simulation run ang pamunuan ng MRT-3 para sa mga bagong overhaul na mga bagon, na sinubukang ding patakbuhin sa bilis na 50kph noong Oct. 29.
Ito ay upang siguruhing ligtas na gamitin ang mga bagon at maaari nang idagdag sa mga operational train sets na tumatakbo sa linya.
Dahil sa mas mabilis na takbong tren, nabawasan na ang average passenger waiting time para sa pagdating sa istasyon ng mga tren sa 4 minuto mula sa 6.5 hanggang 6 na minuto sa bilis na 40kph.
Target na mas mapabilis pa ang takbo ng mga tren hanggang 60kph pagdating ng Disyembre 2020.
Sa kasalukuyan, ang bawat train set ay maaaring magsakay ng 372 na pasahero o 124 pasahero kada train car o 30% ng kapasidad nito.