Relief supplies mula sa boom truck ng Coast Guard naisakay na sa BRP Malapascua; bibiyahe na patungong Catanduanes

Nakarating na sa Legazpi Port sa Albay ang apat na boom truck ng Philippine Coast Guard (PCG) na may dalang relief supplies.

Pagdating sa pantalan sa Legazpi City, agad inilipat sa BRP Malapascua (MRRV-4403) ang mga relief supplies para maibiyahe patungong Virac, Catanduanes.

Ang mga pagkain, gamot, face mask, kitchen utensil, at purified drinking water ay donasyon ng GMA Kapuso Foundation at Manila Water Foundation.

Nakapagpamahagi na rin ng relief supplies sa Naga City, Camarines Sur at Legazpi, Albay sa mga apektadong pamilya ng Super Typhoon Rolly.

 

 

 

Read more...