AMLC report, luma at bahagi ng ‘black propaganda’-UNA

 

Inquirer file photo

Luma na ang ulat ng Anti-Money Laundering Council o AMLaC na nagsasabing tumanggap umano ng bilyun-bilyong piso si Vice President Jejomar Binay sa mga proyektong itinaguyod sa Makati at ang pondong nakalap ang siyang ginamit nito sa kanyang vice presidential bid noong 2010.

Ito ang reaksyon ng United Nationalist Alliance o UNA sa ulat na inilabas ng Inquirer kaugnay sa findings ng AMLaC report na nagsabing kumita ng malaking halaga ang Bise Presidente sa mga proyekto noong Mayor pa ito ng Makati City .

Giit ni UNA president at Navotas Rep. Toby Tiangco, bahagi lamang ng isang planadong ‘black propaganda’ ang naturang ulat upang idiskaril ang kandidatura ni VP Binay.

Aniya, may apat na buwan na ang nakakalipas nang ilabas ng AMLC ang naturang ulat.

Mismong ang AMLC na rin aniya ang humarap sa Manila RTC at umamin na isa lang ang account na nakapangalan sa Bise-Presidente at hindi 242 na una nilang binanggit.

At kamakailan lamang aniya, naghain ng mosyon ang AMLC na alisin na sa kaso ang Agrifortuna Inc. at JC Binay Foundation dahil hindi ito konektado sa Pangalawang Pangulokung hindi sa aide nito na si Gerry Limlingan.

Dahil aniya sa mga hakbang na ito ng AMLC, patunay lamang na walang katibayan ang mga kasong isinampa laban sa Pangalawang Pangulo.

Naniniwala pa si Tiangco na nagpapagamit lamang sa pulitika ang ilang mga opisyal ng AMLAC upang gibain ang kandidatura ng kanilang standard bearer.

Read more...