Bandalismo sa People Power Monument, iniimbestigahan ng QCPD

 

Kinastigo ng EDSA People Power Commission ang pagkakadiskubre ang bandalismo sa EDSA People Power monument kahapon.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni PPC spokesman Celso Santiago hindi tama bagama’t may karapatan ang sinuman na malayang magpahayag ng kanilang saloobin, hindi naman nangangahulugan na maari na itong lumabag sa batas.

Samantala, iniimbetigahan na rin ng Quezon City Police District ang insidente sap ag-asang matutukoy ang suspek na gumawa ng bandalismo.

Una nang  inalmahan din ng Malacañang ang graffiti na isinulat ng hindi pa nakikilalang tao sa EDSA People Power Monument.

Matatandaan kahapon, nadiskubre ang katagang “Marcos Pa Rin!” sa ibabang bahagi ng EDSA People Power monument na isinulat gamit ang spray paint ng hindi pa nakikilalang suspek.

Read more...